Apela para sa Pandaigdigang suporta mula kay Caroline Ho,
Ina ni Tenyente Ehren Watada, ang kauna-unahang kumisyonadong opisyal ng Sandatahan ng Amerika na naghayag ng pag-ayaw papunta sa Irak
Mga kaibigan,
Bilang kauna-unahang
kumisyonadong opisyal ng Sandatahang Amerika na naghayag ng pag-ayaw
papuntang Irak, si Tenyente Watada ang siyang tagapagsalita ng lahat ng
sundalong tumutuligsa sa hindi legal at imoral na Digmaan. Ang kanyang
tapang at determinasyong protektahan ang Konstitusyon ng Amerika ang siyang
nagpapatibay sa mga alituntunin ng batas at magtatapos sa walang katapusang
pagkitil ng buhay at magbibigay babala sa lahat ng mga maimpluwensiya. Wala
silang hinangad kundi ang dalhin siya sa bilingual sa pagbabakasakaling
makalimutan ng mga tao ang mensaheng nais niyang ipabatid at para lalong
magpatuloy ang pagdami ng mga tropa.
Ang pagdinig sa
kanyang kaso ay nakatakda sa ika-5 ng Pebrero taong 2007 at ito ay
maituturing na paglapastangan sa hustisya. Ang pagtutol sa depensa ng
Nuremberg at ang pagdeklara ng kautosang magpadala ng mga sundalo sa Irak
ang silang nagu-udyok sa husgado para sabihing nagkasala nga si Tenyente
Watada. Dagdag pa rito, ang pagtutol ng husgado para mapawalang bisa ang
isinampang kasong hindi nararapat na pag-uugali ang siyang nagbibigay sa
Sandatahan ng kalayaang ikulong siya sa kabila ng pagkakaroon ng Tenyente
ng karapatang magsalita. Kabaliktaran rito sa kaso ng mga retiradong may
matataas na ranggo na naunang naghayag ng pag-ayaw subalit hindi nakasuhan.
Subalit si Tenyente Watada na malayo sa mga nakatataas ang siyang nagpakita
ng halimbawa sa mga ibang opisyal at sa mga bagong sundalo.
Si Tenyente Watada ay
nahaharap ng hanggang anim na taong pagkabilanggo sa kabila ng lantarang
pasasabi ng ilang opisyal na wala silang pakialam sa maaring isipin ng mga
tao. Masasabing sila ay nakatuon sa pulso ng mga mamamayan sa ibat-ibang
bansa. Ang opinyon ng mamamayan ay kritikal na parte sa depensa at hindi
lingid sa prosekusyon na nagmamasid ang sandaigdigan sa kanila.
Maari kayong
makibahagi sa pandaigdigang suporta para kay Tenyente Watada sa pamamagitan
ng pakikipagsangguni sa inyong mga koneksiyon sa personal, sa simbahang
kinabibilangan at sa trabaho. Mangyari lamang na ipadala ang kopya ng “email
alert” at samahan ito ng maigsing pagpapaliwanang. Hikayatin silang pumunta
sa: www.thankyoult.org para sa karagdagang
kaalaman tungkol sa kaso ni Tenyente Watada. Para sa agarang pag-aksiyon
maaring puntahan ang SIGN THE PETITION & GET ACTION ALERTS sa pamamagitan ng
email. May mga ibat-ibang suhestiyong maaring magpatibay ng suporta na
siyang magbabago sa desisyon ng korte. Sumulat, Magwelga, hingin ang
katarungan at petigilin ang pagpapahirap kay Tenyente Watada. Ang kanyang
pagpapahayag ng pag-ayaw sa digmaan ay hindi maaaring patahimikin.
Bilang pakikiisa kay,
Carolyn Ho (Ina ni Tenyente Watada)
|
||||||
|