Walang hatol na habambuhay na pagkabilanggo sa mga sundalong gustong umayaw sa paninilbihan
 

Ang Panukalang Batas ng Armadong Puwersa – na sa ngayon ay nasa Parliamento na – ay naglalayong isakatuparan ang mabigat  na parusa sa mga sundalong gusting umayaw maging bahagi sa mga gawaing may kinalaman sa militar.

 

Ang Seksiyon 8 – isang  bagay na nakakaligtaang banggitin ng mga mamamahayag – ay nagpapakilala ng mas mahigpit na kahulugan ng pag-ayaw sa paninilbihan partikular sa mga sundalong nagnanais umiwas sa paninilbihan sa mga gawaing militar sa ibang bansa o teritoryo at sila ay maaring makulong habambuhay.

 

Itong malaking pagbabago sa batas militar ay sinimulang ipakilala mula nung padami ng padami ang bilang ng miyembro ng sandatahan ng Britanya na nagnanais umayaw sa paninilbihan mula nung simulan ang pagsalakay sa Iraq – ito ay isang malaking katunayan na dumadami ang bilang ng kalalakihan at kababaihang ayaw maging bahagi sa digmaan sa Iraq, Afghanistan, Iran at sa iba pang sulok ng mundo. Ito ay kontra sa Nuremberg Charter na nagpapatibay sa pandaigdigang batas na nagsasabing bawat isa ay may responsibilidad at may karapatang hindi sumunod sa mga hindi makatarungan at imoral na kautusan mula sa kahit anong uri ng gobyerno. Kasabay nito, iginigiit ng Sekretarya ng Depensa ng UK na pag-aralang muli at gawing legal ang “pre-emptive military action” ng “Geneva Convention”.

 

Sa mga ginagawang pagsasaliksik, nakakagulantang ang paparaming bilang ng mamamayan na tumutuligsa sa digmaan sa Iraq. Batid ito sa mga gawain at pananaw ng mga tropang umayaw  ganun din sa mga umaayaw nang bumalik muli sa Iraq. Marami sa mga kapamilya ng mga sundalo, karamihan sa kanila ay mga ina, ang patuloy na nangangampanya laban sa pagkamatay at pagkalumpo ng kanilang mga mahal sa buhay at sa mga sibilyang nadadamay sa Iraq at sa iba pang sulok ng mundo, ganun din ang agarang pagbawi sa mga tropang nasa digmaan - digmaang wala ni isang nagnanais.

 

Kami’y nagagalit na ang Seksiyon 8 ng nasabing panukalang batas ay labag sa karapatang pantao ng mga sundalo partikular sa mga sundalong umaayaw  sa paninilbihan lalo na at mabilis itong  nakaakyat sa Parliamento na walang sapat na debate o dayalogo sa publiko.

 

KUNG KAYA’T MANGYARI LAMANG NA KUMILOS NA SA NGAYON PARA MAPIGILAN ANG PAGSASABATAS NITONG TERIBLE AT HINDI WASTONG PAGPAPATUPAD NG HUSTISYA.

 

Paalala:

·       Tingnan ang Independent (Peryodiko sa UK) sa Sunday, ika-19 ng Marso 2006 http://www.refusingtokill.net/UKGulfwar2/Soldiersgoingawolhavetrebled.htm

·       Nuremberg Charter, Artikulo 8: “The fact that the Defendant acted pursuant to order of his Government or of a superior shall not free him from responsibility….”

 

Payday samahan ng mga kalalakihan na nakikiisa sa Welga ng mga Kababaihan sa Buong Mundo

MAGLAAN SA PAG-AALAGA HINDI SA PAGPATAY

Tingnan ang website www.refusingtokill.net

Information: 0207 209 4751 payday@paydaynet.org

 

ANO ANG MAARI MONG GAWIN, MODELONG SULAT

___________________________________________________________________________________________________________

 

ANO ANG MAARI MONG GAWIN

·      Sumulat sa iyong MP at sabihing huwag iboto ang Seksiyon 8. Hanapin ang iyong MP at sulatan sa pamamagitan ng e-mail sa www.writeToThem.com o kaya sulatan siya sa House of Commons, London, SW1A 0AA (tingnan ang modelong sulat sa ibaba o kaya maari kang gumawa ng sariling sulat)

·      Pirmahan ang petisyon na makikita sa http://www.petitiononline.com/UKArmedF/petition.html

·      Sumulat sa mga pahayagan: letters@guardian.co.uk, letters@thetimes.co.uk, letters@independent.co.uk, dtletters@telegraph.co.uk o kaya sa yong lokal na pahayagan na nagsasabing kailangan ang kanilang partisipasyong ilathala ang naturang pag-atake sa karapatang pantao.

·      Sabihan ang lahat ng mga kakilala o kaya ang mga grupong kontra sa digmaan, sa mga simbahan, komunidad, samahan ng mga manggagawa tungkol dito. Sabihan din silang kontakin ang kanilang MP ganun din ang mga kilalang pahayagan para papirmahin sa petisyon.

___________________________________________________________________________________________________________

 

MODELONG SULAT

 

Mahal kong (Pangalan ng MP)

 

Akin pong napag-alaman na ang panukalang batas ng Armadong Puwersa sa taong 2006 ay kasalukuyang pinagdidiskusyonan sa "Select Committee" kung saan ang susunod na gagawing hakbang ay inyong aamyendahan at pagbobotohan sa "Commons".

 

Ang Seksiyon 8 ng nasabing panukalang batas ay nagpapakilala ng panibagong depinisyon ng pag-ayaw sa paninilbihan partikular sa mga sundalong ayaw maging bahagi sa mga gawaing militar sa ibang bansa o teritoryo, na sinomang aayaw ay maaring makulong habambuhay (tingnan ang "sub-sections 3c, 4a and 5a"). Ang naturang panukala ay ipinakilala mula nung magsimulang dumarami ang bilang ng mga sundalong nagnanais kumalas sa sandatahan ng Britanya mula pa nung simulan ang pagsalakay sa Iraq.

 

Masasabi kong ang Seksiyon 8 ay isang paglabag sa karapatang pantao, lalo na sa mga nagnanais kumalas sa paninilbihan, ganun din sa lahat ng ayaw maging bahagi sa mga nakaraan at sa kasalukuyang digmaan kung saan ang kanilang responsibilidad ay nakasaad sa "Nuremberg charter" -karapatang umayaw at hindi sumunod sa lahat ng hindi legal at sa lahat ng imoral na kautosan. Ako'y nagagalit dahil sa makamilitar na seksiyon na ito ay nakarating sa Parliamento na lingid sa kaalaman ng nakararami at walang sapat na diskusyon.

 

Sa resulta ng mga ginagawang pag-aaral, padami ng padami ang bilang ng publiko na tumutuligsa sa  ginagawang pag-atake sa Iraq. Batid ito  sa mga ginagawa at sa mga pananaw ng mga tropang ayaw pumunta sa Iraq at sa mga kapamilya ng mga sundalo na patuloy na pinaglalaban ang pagbawi sa mga tropang nasa digmaan.

 

Hinihiling ko ang inyong pagtuligsa sa Seksiyon 8 sa pamamagitan ng hindi pagboto nito ganun din sa inyong mga kasamahan.

 

Nagmamahal,

 

 

 Petisyon para sa Sekretarya ng Depensa na si Ginoong John Reid

 

 WALANG HATOL NA HABAMBUHAY NA PAGKABILANGGO SAS MGA SUNDALONG UMAAYAW SA PANINILBIHAN

 

Kung saan ang panukalang batas ng Armadong Puwersa sa taong 2006 ay kasalukuyang pinagdedebatehan sa Parliamento ng Britanya.

 

Kung saan ang bilang ng mga sundalong kumakalas sa sandatahan ng Britanya ay patuloy na dumadami mula nung simulan ang pagsalakay sa Iraq.

 

Kung saan ang Seksiyon 8 ng panukalang batas ay nagpapakilala ng mas mahigpit na depinisyon ng pagkalas, kung saan ang mga sundalong nagbabalak umayaw maging bahagi sa mga gawaing militar sa ibang bansa o teritoryo ar maaring makulong habambuhay.

 

Kung saan nakasaad sa "Nuremberg Charter" ang responsibilidad  ng mga sundalo at sa lahat, at ang karapatang umayaw at hindi pagsunod sa lahat na hindi legat o kaya sa mga imoral na kautusan.

 

Kung saan ang naturang panukala ay paraan ng pag-atake sa karapatang pantao, kasama ang karapatang umayaw sa paninilbihan bilang pagsunod sa dikta ng konsensiya sa lahat ng mga kalalakihan at kababaihan sa sandatahan - silang ayaw maging bahagi sa  nakaraan at kasalukuyang digmaan at sa mga iba pang hindi legal o imoral na digmaan sa hinaharap.

 

Kung saan itong Seksiyon na ito ng nasabing panukalang batas ay nakarating sa Parliamento na lingid sa kaalaman ng nakararami at walang sapat na diskusyon.

 

Hiling namin ang inyong pagbasura sa Seksiyon 8 ng panukasang batas ng Armadong Puwersa sa taong 2006.