Palayain ang tumutuligsa dala ng
 konsensiyang si Mehmet Tarhan

Agarang Pagkilos ng Payday
Ang Tumutuligsa dala ng kanyang konsensiya na si Mehmet Tarhan ng Turkey, na hindi makatarungang ikinulong, ay napagtagumpayan ang kanyang mga karapatan sa kulungan, at muling uusigin sa kanyang kaso sa ika-4 ng Agosto.

Report: Protesta sa London, New York and Venice  noong ika-12 ng Hulyo

Mga Kapatid,

Kailan lang ay pinadalhan namin kayo ng Agarang Pagkilos, na humihingi sa inyo ng suporta para kay Mehmet Tarhan, isang binabaeng umaayaw magsilbi sa Sandatahan ng bansang Turkey dahil taliwas ito sa kaniyang paninindigan, na siyang sanhi ng kanyang pagkakulong mula ika-8 ng Abril sa kulungan militar sa Sivas (Turkey) kung saan siya ay tahasang inaatake   (
http://www.refusingtokill.net/Turkey/ReleaseMehmet.htm ).

Nung si Ginoong Tarhan ay humarap sa korte militar noong ika-9 ng Hunyo, siya ay inabsuwelto ng huwes –  at ito ay maituturing na isang malaking tagumpay, di lamang sa kanya kundi pati na rin sa lahat ng mga grupong kaniyang taga suporta sa buong mundo. Ngunit agad din siyang ikinulong muli  ng mga sundalo, isang lantarang paglabag sa pandaigdigang batas, at siya ay muling dinala sa kulungan militar ng Sivas. Siya ay muling nahaharap ng pagdinig sa kanyang kaso sa ika-4 ng Agosto, kung kaya’t ang inyong pusposang pagsuporta ay kailangang kailangan para mabalewala lahat ng ibinibintang laban kay Ginoong Tarhan at siya’y palayain mula sa kulungan sa lalong madaling panahon.

Si Ginoong Tarhan ay di kumain sa loob ng dalawampu’t walong araw bilang pagwelga sa di makatarungang pagtrato sa kanya sa kulungan, at noong ika-21 ng Hunyo ay pinagbigyan siya sa lahat ng kanyang hinihingi: isang pribadong selda para sa kanyang proteksiyon laban sa mga ibang preso, palagiang pag-abot sa kanya lahat ng kanyang mga sulat, pagkakaroon ng kalayaang magbasa ng libro, gumawa ng sariling tsaa, manood ng telebisyon, at kalayaang masuri siya ng isang sibilyang manggagamot na minsang dumalaw sa kanya at nagsabing nasa mabuti siyang kalagayan. Kasalukuyang inoobserbahan ang kanyang kalusugan dahil sa kanyang isinagawang pagwelga.

Sa ngayon, kami’y nakakatanggap ng mga kopya ng mga sulat pagprotesta para sa mga kinauukolan ng Turkey mula sa ibat-ibang panig ng mundo kabilang dito ang Argentina, Germany, Ireland, Italy, Poland, UK at US. Kapansin –pansin din ang ginawang pagsuporta ni Stephen Funk, isang bading at may dugong Pilipino, ang kauna-unahang sundalong Amerikano na lantarang umayaw sa paninilbihan sa Iraq, sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat sa gobyerno ng Turkey. (http://www.refusingtokill.net/Turkey/MehmetFunkLetter.htm ). Marami ring nagsasagawa ng demonstrasyon sa Frankfurt at Athens. Noong ika-12 ng Hulyo, araw ng pagdinig sa kanyang kaso, and Payday at Wages Due Lesbians ay nagsagawa ng protesta sa harapan ng embahada ng Turkey sa London, New York at Venice.

Kami, at mga iba pa, ay nanawagan sa mga Miyembro ng Parliamento ng Europa (MEPs) at marami sa kanila ang naghayag ng kanilang pagsuporta. Dulot ng talakayan sa pagpasok ng Turkey sa Nagkakaisang Europa, naging mahirap para sa mga MEP’s na makialam sa pagkakaroon ng seguridad ni Ginoong Tarhan.

Sa Turkey, marami ang isinagawang protesta para kay Ginoong Tarhan sa mga base militar  sa Harbiye at sa Incirlik; marami ang gumawa ng mga plakard, mga maliliit na babasahin at mga awitin noong nagkaroon ng welga sa araw ng Mayo sa Istanbul, Ankara, Izmir, Antalya at Malatya. Isinagawa din ang pagbabasa sa mga sulat ng mga bilanggo sa patimpalak kontra-militarismo sa Izmir, panawagan na gumawa ng sulat pagsuporta, pagkakaroon ng talastasan at demonstrasyon sa mga manunulat, at pagmamatyag sa korte.  Maraming organisasyon ang kasali dito: mga grupong kontra militar, mga tomboy at binabae, grupo ng mga kababaihan, samahan ng mga tagapagtanggol ng karapatan, at mga anarkiya. Huwag sana nating kalilimutan na sa likod ng pang-aaping ginawa kay Ginoong Tarhan, ay maraming mga grupong patagong kumukontra sa patakaran ng militar – 350,000 – bilang ng mga umaayaw sa paninilbihan sa digmaang namamagitan sa Turkey at sa mga taong Kurdish.

Si Mehmet Tarhan kasama ang kanyang mga tagasuporta ay kailangan nilang malaman na maraming tao sa buong mundo ang kumikilos para maprotektahan ang kanyang buhay at maibigay sa kanya ang karapatan niyang umayaw sa paninilbihan dala ng kanyang konsensiya. Inaanyayahan namin kayong gumawa ng sulat at magpadala ng poskard sa:

Mehmet Tarhan, 5. Piyade Egitim Tugayi, Askeri Cezaevi, Temeltepe – Sivas, Turkey

Higit sa lahat, inaanyayahan naming kayong sumulat (muli) sa mga kinauukulan ng Turkey para ipagdiinan ang kanyang agarang paglaya. Kasama kami sa kanyang determinadong kampanya laban sa digmaan na walang kasamang pang-iipit at pang-aapi.

1 War Resisters International, CO-alert, 22 June 2005
2 Quaker Council for European Affairs: The Right to Conscientious Objection in Europe: A Review of the Current Situation, 2005.


Ano ang maari mong gawin:

  • Sumulat kay Mehmet Tarhan
    Gumawa ng sulat-protesta sa mga kinauukulan ng Turkey – tingnan ang modelong sulat sa baba
    .

        General Staff fax: (+90) 312 - 425 08 13  email: gnkur@tsk.mil.tr
        Fax para sa Presidente ng Turkey : (+90) 312 427 13 30  email: cumhurbaskanligi@tccb.gov.tr
        Prime Minister Recep Tayyip Erdogan fax: +90 312 417 0476 email:
rte@akparti.org.tr
        Minister of the Interior Abdulkadir Aksu fax: + 90 312 418 1795 email: aaksu@icisleri.gov.tr
        Minister for Justice Cemil Çiçek  fax: +90 312 419 3370 email: cemilcicek@adalet.gov.tr
        Sivas Military Prison fax : (+90) 346- 225 39 15

      ·        Magpadala ng kopya sa Embahada ng Turkey sa inyong bansa.
           Ambasador ng Turkey sa UK H.E. Mr Akin Alptuna, turkish.emb@btclick.com
          
Ambasador ng Turkey sa USA Dr. Osman Faruk Logoglu, ambassador@turkishembassy.org
           Ang mga iba pang listahan ng embahada ng Turkey ay matatagpuan sa
           http://www.mfa.gov.tr/MFA/Ministry/TurkishRepresentations

  •    Magpadala rin ng kopya sa mga Institusyon ng Europe

           Mr Trevor Stevens, Executive Secretary, European Committee for the Prevention of Torture
          
Olli Rehn, Commissioner for Enlargement Policy of the European Union
           Alvaro Gil-Robles, Commissioner for Human Rights of the Council of Europe
           Michael Cashman, President of the European Parliament's Intergroup on Gay and Lesbian Rights
           At sa inyong MEP – ang listahan ay makikita sa
           http://wwwdb.europarl.eu.int/ep6/owa/p_meps2.repartition?ilg=EN&iorig=home

  •    Kung maari ay magpadala ng kopya ng inyong sulat at mensahe sa Payday, payday@paydaynet.org at sa War
       Resisters International info@wri-irg.org.

 Kapag nagpadala ng sulat, maari rin ninyong padalhan ang mga sumusunod:

to: gnkur@tsk.mil.tr; cumhurbaskanligi@tccb.gov.tr; rte@akparti.org.tr; aaksu@icisleri.gov.tr; cemilcicek@adalet.gov.tr

cc: aadamou@europarl.eu.int; vagnoletto@europarl.eu.int; segreteria@vittorioagnoletto.it; gberlinguer@europarl.eu.int; fbertinotti@europarl.eu.int; ebonino@europarl.eu.int; pcasaca@europarl.eu.int; deputado@paulocasaca.net; mcashman@europarl.eu.int; gchiesa@europarl.eu.int; dcohnbendit@europarl.eu.int; d.massimo@dol.it; adipietro@europarl.eu.int; asistent@falbr.cz; mfrassoni@europarl.eu.int; lgruber@europarl.eu.int; jeanlambert@greenmeps.org.uk; eletta@europarl.eu.int; carolinelucas@greenmeps.org.uk; hmarkov@europarl.eu.int; emeijer@sp.nl; hflautre@europarl.eu.int; lmorgantini@europarl.eu.int; rmusacchio@europarl.eu.int; mpannella@europarl.eu.int; dpapadimoulis@europarl.eu.int; tpflueger@europarl.eu.int; MPortas@europarl.eu.int; ransdorf@kscm.cz; rromeva@europarl.eu.int; hruehle@europarl.eu.int; heide.ruehle@gmx.de; e-b.svensson@bredband.net; ktriantaphyllides@europarl.eu.int; zimmer.zimmer@t-online.de; cab-rehn-web-feedback@cec.eu.int; CommissionerHR.Communication@coe.int; cptdoc@coe.int; payday@paydaynet.org; info@wri-irg.org.

and cc: Turkish embassy UK turkish.emb@btclick.com
             Turkish embassy USA ambassador@turkishembassy.org

MODELONG SULAT

Ika-28 ng Hunyo 2005
Kay:
Pangkalahatang Empleyado
Pangulo ng Republika ng Turkey
Punong Ministro Recep Tayyip Erdogan
Ministro Interyor Abdulkadir Aksu
Ministro ng Hustisya Cemil Çiçek
Kulungan ng mga Sundalo sa Sivas

Tungkol kay: Ang tumutuligsa dala ng konsensiya na si Mehmet Tarhan, hindi makatarungang ikinulong ng sandatahan ng Turkey.

Kami’y sumusulat sa inyo tungkol kay Mehmet Tarhan, isang binabaeng tumutuligsa dala ng konsensiya, na ibinilanggo mula noong ika-8 ng Abril sa Kulungan ng mga sundalo sa Sivas, Turkey. Dahil sa panghihikayat ng isang empleyado ng nasabing kulungan, ang mga ibang preso ay tahasan at paulit-ulit na binubogbog, iniinsulto o pinapahiya at tinatakot si Ginoong Tarhan, kahit pa mismo sa harapan ng kanyang abogado. Noong si Ginoong Tarhan ay humarap sa korte militar noong ika-9 ng Hunyo, hindi siya makalakad ng maayos at ang kanyang katawan ay nababalotan ng mga sugat-sugat.

Para sa inyong kaalaman, ang Husgado ay nagdesisyon nang pakawalan si Ginoong Tarhan dahil siya ay “ namalagi na sa kulungan sa loob ng dalawang buwan, kung saan ito dapat ang haba ng kanyang ilalagi sa kulungan kung sakaling siya ay masintensiyahan”. Datapwat, siya ay
ibinalik muli sa kulungan at dinala, una, sa Ospital ng mga sundalo sa Sivas, pangalawa, sa kulungan ng mga sundalo sa Sivas.

Unang-una, si Ginoong Tarhan
ay di dapat ikinulong. Ito ay isang malaking katiwalian kung kayat naisipan niyang magsagawa ng pagwewelga sa pamamagitan ng hindi pagkain sa loob ng dalawampu’t walong araw ng sa gayon ay ipagkaloob sa kanya ang patas na pagtrato, proteksiyon mula sa mga ibang preso, at sapat na pagsusuri mula sa isang manggagamot.

Ang mga sundalo ng Turkey at mga iba pang nasa kinauukolan ay kailangang isiguro ang kanyang proteksiyon. Kailangang magsagawa ng masusing pananaliksik para malaman kung sino ang namuno at nagsagawa ng matinding pagpapahirap kay Ginoong Tarhan habang siya ay nasa kulungan, at kailangang mabigyan ng hustisya.

Kami’y nagagalit marinig na si Ginoong Tarhan, na dahil hanggang ngayon ay  umaayaw pa rin siyang bumalik at manilbihan, ay muling uusigin sa pangalawang pagkakataon sa ika-12 ng Hulyo.

Ang United Nations Working Group on Arbitrary Detention, sa kaso ng isa ring tumututuligsa dala ng konsensiya na tagaTurkey rin na si Osman Murat Ulke, ay nagsabing, ang pagkulong muli sa isang tumutuligsa dala ng konsensiya, pagkatapos ng kanyang unang paninilbihan sa kulungan ay maituturing na hindi makatarungan, dahil labag ito sa artikulo 10 ng Universal Declaration of Human Rights.3

Pinagtitibay ni Ginoong Tarhan ang kanyang karapatang tumuligsa dala ng kanyang konsensiya batay sa Artikulo 18 ng International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR), kung saan kabilang dito ang Turkey. At ang
Committee of Ministers to Member States of the Council of Europe Regarding Conscientious Objection to Compulsory Military Service ay nagsasabing "Ang sinomang miyembro ng sandatahan na nagnanais umayaw sa paninilbihan dala ng sigaw ng konsensiya, at dahil ayaw nang humawak ng armas, ay may karapatan siyang pakawalan at alisan ng obligasyon sa serbisyo” 4.

Ang gulong na; pagkulong, pagpapahirap, pag-uusig, pagpapalaya at pagkulong muli ay kailangang matigil na. Ang naging desisyon ng husgado noong ika-9 ng Hunyo ay kailangang panatilihin.

Si Ginoong Olli Rehn, ang Commissioner for Enlargement Policy of the European Union, ay nangakong subaybayan ang kaso ni Ginoong Tarhan. Ang mga ibang MEPs na tulad nina Ginoong Michael Cashman, ang Presidente ng European Parliament's Intergroup on Gay and Lesbian Rights, si Ginang Caroline Lucas mula sa Greens at si Ginoong Vittorio Agnoletto mula sa United Left ay nagbigay  na ng representasyon sa gobyerno ng Turkey. Ang Pandaigdigang Amnestiya ay itinuturing si Ginoong Tarhan bilang isang preso dala ng konsensiya.

Hinihingi namin ang agaran at madaliang pagkilala sa kalagayan ng tumutuligsang si Mehmet Tarhan kasama na rin ang kanyang mga kasamahang tumutuligsa rin dala ng kanilang konsensiya na sina Ersan Ugor Gor, Erdem Yalcinkaya, Mustafa Seyhoglu at Hasan Cimen na silang inaresto habang silay nakikinig sa pag-uusig kay Ginoong Tarhan.

Kaming mga umaayaw sa pagpatay,

Dean Kendall                     Michael Kalmanovitz
Payday US                       Payday UK

1 War Resisters International, CO-alert, 10 June 2005
2 Suna Coşkun, Mehmet Tarhan’s lawyer, at 17 June 2005 press conference
3 Opinion 36/1999
4 Recommendation No. R (87) 8


CC:

Olli Rehn,
Commissioner for enlargement policy of the European Union
Alvaro Gil-Robles, Commissioner for Human Rights, Council of Europe
Trevor Stevens, Executive Secretary, Committee for the Prevention of Torture, Council of Europe
Michael Cashman MEP, President of the European Parliament's Intergroup on Gay and Lesbian Rights
Adamos Adamou MEP, Vittorio Agnoletto MEP, Giovanni Berlinguer MEP, Fausto Bertinotti MEP, Emma Bonino MEP,
Paulo Casaca MEP, Giulietto Chiesa MEP, Daniel Cohn-Bendit MEP, Richard Falbr MEP, Massimo D’Alema MEP, Antonio
Di Pietro MEP, Hélène Flautre MEP, Monica Frassoni MEP, Lili Gruber MEP, Jean Lambert MEP,
Enrico Letta
MEP,
Caroline Lucas MEP , Helmuth Markov MEP, Erik Meijer MEP, Luisa Morgantini MEP, Roberto Musacchio MEP
Marco Pannella MEP,
Dimitris Papadimoulis MEP, Miguel Portas MEP, Tobias Pflüger MEP, Miloslav Ransdorf MEP,  Raul
Romeva MEP,
Heide Ruehle MEP, Eva-Britt Svensson MEP, Kyriacos Triantaphyllides MEP, Gabi Zimmer MEP.

Payday nakikiisa sa
Welga ng Mga Kababaihan sa Buong Mundo

www.refusingtokill.net