Ang protesta sa London ay inorganisa ng Wages Due Lesbians and Payday. |
Ang kaso ni Mehmet ay isang hudyat ng pandaigdigang pakikibaka sa karapatan ng mga tomboy at binabae laban sa digmaan. Kagaya ng mga ibang tomboy at binabae, siya ay hindi sumasang-ayon sa “pagkapantay-pantay” na pinatutupad ng maraming samahan ng mga tomboy at binabae: ang karapatang kumbinsihin at maging bahagi sa sandatahan para pumatay. |
||||||||
Ang aking isa pang kapatid ay sapilitang naninilbihan sa sandatahang nagkulong at nagpapahirap kay Mehmet, at hindi niya alam kung ano ang kanyang dapat gawin, at ito ay napakasakit para sa kanya. Ang aking ina ay nakakaranas ng problema sa puso, diyabetes, mataas na kolesterol at dugo kung kayat labis kaming nababahala sa kanyang kalusugan. Nilihim namin sa kanya ang ginawang paghuli kay Mehmet hanggang sa unang pagdinig sa kanyang kaso. Una niyang nakita si Mehmet pagkatapos ng dalawang buwan matapos ang ikalawang pagdinig sa kaso. Si Mehmet noon ay nahihirapang tumayo dahil sa ginawang pagpapahirap sa kanya at hindi niya maigalaw ang kanyang leeg. Hindi nila pinapayagan ang aking ina para bisitahin siya at mayakap. Nahihirapang magbiyahe ang aking ina dahil sa kanyang kalusugan kung kayat nahihirapan siyang dalawin si Mehmet. Pinayagan lamang siyang makita at mayakap si Mehmet sa kanyang pangalawang pagdalaw at ito ay sa loob ng isang minuto lamang. Sa tuwing siya ay hindi mag-isang nakakulong, at hindi ipinagbabawal ang pagbisita, ako’y pumupunta sa Sivas para kada-linggo. Umaalis ako sa Istanbul ng Martes at umaabot sa 14 oras ang biyahe. Kinabukasan, nakakausap ko siya sa loob ng pitong oras sa likod ng bakod at agad akong bumabalik sa sa Istanbul kinagabihan. Ang aming pag-uusap ay sinasagawa sa likod ng yerong bakod.Ako, si Mehmet, pati ang aming ina ay dating naninirahan sa Istanbul. Dati akong may negosyo. May trabaho rin noon si Mehmet. Ngunit habang tumatagal din a ako nakakapagtrabaho at hindi na rin ako nakakaalis ng Sivas sa loob ng tatlong buwan dahil sa mga nangyayari. Dahil sa patuloy na panganganib ng kanyang buhay mula sa mga kapwa preso, pati na rin ang pisikal at sikolohikal na pang-iipit ng mga nasa kinauukolan, kasama na rin ang hindi niya paglunok ng ano mang uri ng pagkain ang nagpabago sa takbo n gaming buhay. Kailangan kong isara ang aking negosyo dahil napapabayaan ko ito. Ako at ang aking ina ay pinalayas sa aming tirahan kung kayat kinailangan naming bumalik sa Iskenderun. Sa tuwing nakakausap ko siya ako’y nagagalit at nalulungkot kung bakit hanggang ngayon ay nakakulong siya. Gusto ko na siyang lumaya at makapunta sa lahat ng lugar na gusto niya. |
Para saan
ang konskripsiyon Isang balita ang inilabas ng mayor ng Yuksekova noong ika-18 ng Nobyembre na nagsasabing ang sandatahang Turkish ay nagpaputok sa mga nagsasagawa ng demonstrasyon sa isang Lungsod ng Kurdish, na nagging sanhi ng pagkamatay nina Islam Bartin, Sefer Bor, Giyasettin Avci, Ersin Menges, Abdulhaluk Geylani at pagkasugat ng 28 katao. Mahigit kumulang ng 30,000 katao ang kasali sa protesta tungkol sa “terorismo sa gobyerno”, partikular sa pambobombang isinagawa ng mga sundalo sa isang tindahan ng mga aklat sa lungsod ng Semdinli noong ika- 9 ng Nobyembre.
”Mehmet
Tarhan ay hindi magiging sundalor”
Sa Turkey, ang mga sundalo ay makikita kahit saan: sa mga lungsod, sa mga karatig na siyudad, at sa mga “roadblocks”. Ngunit mayroong 350,000-500,000 kalalakihang tumutuligsa sa konskripsiyon. Karamihan ay Kurds ang umaayaw manilbihan sa sandatahang nagpapahirap, nagmamaltrato, nagsasamantala at pumapatay sa mga kababaihan at kalalakihan pati na rin ang mga kabataan, nanakot at nagpapalayas sa mga resisdente para maisakatuparan ang pagpapatayo ng dam. Ito ang mga bagay bagay na inaayawan ni Mehmet Tarhan.
|
|||||||
Wages Due Lesbians
Tel 020
7482 2496 Email
wdl@allwomencount.net |
Payday samahan ng mga kalalakihan na nakikiisa sa Global Women’s Strike Tel 020 7267 8697 Email payday@paydaynet.org Web www.refusingtokill.net |